ideya karinderya

December 1, 2007

Post Makati Standoff Inebriated Thoughts

Filed under: Uncategorized — Tags: , — diwangmalaya @ 6:02 pm

Ang mga sumusunod ay produkto lamang ng aking utak. Lahat ng kalokohan at insulto ay malamang sinasadya.

1. Ayos ang resume ni Trillanes, winner ang mga titles: ex-Lieutenant, UP Public Admin grad, senator, hearthrob, coup plotter, five-star hotel connoiseur, almost-martyr.

2. Tuparin sana ang pangako kapag sinabi mong handa kang mamatay…

3. Kaya maraming nagalit na Pinoy ay dahil nabitin sila. Sa soap opera kasi, me drama at aksyon, pero merong ding namamatay.

4. Sana tsinek muna kung ano ang panahon bago nag-kudeta. Pramis, tumatama na ang PAG-ASA.

5. Kung magkudeta ka at tinanong ka sa mga plano mo, sabihin mo lang: “Whatever”.

6. Inurong nila ung kudeta kasi maraming masasaktan. E bakit pa nila ginawa kung ganun?

7. Tsinek ba ng mga sekyu ung trunk nung APC bago ito pumasok?

8. Hotel attendant: What can I do for you, sir?
Trillanes: We will launch a coup d’etat. I want some Bordieux wine and truffle clubhouse. Please charge it to Ms. Arroyo.

9. Ang losyang pala ni Pinky Webb at Ces Drilon kapag haggard. Pero crush pa rin.

10. “HANDA KAMING MAMATAY PARA SA PINAGLALABAN NAMIN!!! …shet, tear gas! SUKO NA KAMI!! Joklang un!”

11. Ilang milyon kaya naluge sa Kapuso at Kapamilya dahil di sila nag-commercial?

12. Nganaman. Nov 29 sila nag-kudeta kasi Nov. 30 ay Bonifacio Day. Magdiwang si Ka Andres, Magdalo, si Aguinaldo yun.

13. Ang soundtrack para sa standoff: Oops, I Did It Again.

14. Si General Lim ay susulat na ng libro tungkol sa kudeta: Kudeta, The Filipino Style: Try and try but don’t die.

15. Naawa ako ke Guingona, pinagmartsa nang malayo, naulanan, na-teargas, at nagsalita pa sa media.

16. Kung sa Divisoria sila nag-kudeta, tiyak maraming tao.

17. “Dissent without action is dissent.” ani General Lim. “Coup without plan is kukurukuku”, ani ng taumbayan.

18. Ang hirap maging Ayala ngayon. Sumabog na ang Glorietta, nagkudeta pa sa Ayala avenue.

19. Nasa balat na ng kasaysayan ang Manila Pen. Angas, di ba?

20. Miliyon-peso question: Sino ang lalaking naka-wig?

No Comments Yet »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Blog at WordPress.com.