Sino nga ba ang di nag-nanais matawag sa salitang toits? Ang pagiging seksi na yata ang isa sa mga biyaya – o sumpa, dependots sa pananaw mo – na inaasam ng isang lalaki o babae. Kaya todo na lang ang diyeta, workout, pills, at kung anu-ano pa para makuha ang mala-monay na six-pack abs o kaya ang Coke na figure. Effort sya, men, kung tutuusin. Buti na lang na-achieve ko na to. Hehe.
Pero bukod sa mala-Adonis kong katawan, ano pa ba ang seksi para sa akin? Ano ang mga bagay na sa tingin ko ay karapat-dapat tawaging seksi ni Pare?
1. Lower back. Ng babae, opkors. Winner talaga to para sa akin, tsong. Yung kurba mula likod ng tiyan hanggang puwitan. I am not a boob person (naks). Basta parang elliptical road ang likod ni Mare, panalo!
+ points: lower back tattoo.
2. Emo/Geek Glasses. Totoong emo ka man o dehin, basta ganito ang nakapatong sa mukha mo, asteg ka! Ewan ko kung bakit nahumaling ako salaming ganito estilo. Siguro dahil emo-emohan ako, o dahil geek ako na walang pambili ng salamin. Hehe.
+ points: black color and/or horned tip
3. Chuck Taylors. Kapag nakakita ako ng Chucks, halos magdeliryo ako sa excitement. Exaj. Pero swabe talaga ang Chucks kahit ano pa yan. Japeyks o orig, bago o luma, malinis o marumi. At kahit ano binabagayan: Maong+chucks, palda+chucks, bestida+chucks, o wedding gown+chucks – seksi pa rin si Mare.
+ points: customized – handpainted, patched, or slashed
4. Tattoo. Asteg na, seksi pa. Pero siempre depende rin sa tato. Trip kong parte ng katawan e ung bisig, shoulder blade, lower back (siempre), at sa bandang tagiliran ng tiyan. Huwag sa mukha dahil mukhang freak show. At lalong huwag Sigue-Sigue Sputnik o kaya Alpha Patay Gutom ang nakamarka dahil tatakbo ako.
+ points: tribal, exotic writing o yung swabe pagkakagawa.
5. Armlet. Basta nagising na lang ako isang araw, nagagandahan na ako sa mga may ganito.Yung dati kong klasmeyt na babae sa Creative Writing, ang nakapulupot ay… tinidor! Asteeg, creative ang konsepto. Wag lang siguro Magdalo armband, swak na.
+ points: wag lang red ribbon hehe
6. Rakistang Artista. Holi brokoli. I said it! Opo, dahil isa akong posero, isinasabuhay ko na lang ke Mare ang aking naudlot na pangarap. Stereotypical na rakistang getup, o dehin, basta ang passion mo e arts at music, asteg ka.
+ points: Chucks, maong, small shirt, mailman’s bag, maangas na hairstyle. Rakenrol!
7a Mazda 3 o kaya Mini Cooper. Oops, epal ko lang to kasi wala akong tsikot. Para makikisakay hehe.
7b British/Irish accent. Ang hot nito, lalo na kung kamukha ni Catherine Zeta-Jones o kaya Kate Beckingsale. Grabe. Kung ma-stranded ako sa isang island kasama ang isang English-accent-spokening chick, pede na sigurong pastime ang makinig araw-araw sa mga kwento nya.
+points: husky, bedroom, sexy radio voice
8. Chinita. Wehe.
China eyes pa lang, gulaman na ang malanding tuhod ko. Thus explains my fascination for Korean chicks. Ok, pati pala Tsino at Haponesa. Kahit si Sadako ka pa, basta ngitian mo ako ng iyong mata, handa akong mamamatay nang maligaya. Shet, jjampong naman nito.
+ points: Yung chinitang mataray tingnan at tumingin.
9. Cooking Skills. Sabi nga, the best way to a man’s heart is through his chest with a knife, este, through his stomach. At ako ang magpapatunay nyan. Dahil handa akong mamatay ng impatso para ke Mare. Kaya nga kapag me nakikita akong chikabeybs, una kong reaksyon. “Waw, pwede. Marunong kaya siyang magluto?”
+ points: yung willing mag-share ng recipes at secrets
10. Brains. Ang baduy na nito, pero sabi nga, pinakaseksing parte ng katawan ni Mare ay ang utak. Ok lang sa akin kung Mensa member siya na may IQ 250 at iparamdam nya sa akin kung gaano ako katanga, basta mag-usap kami tungkol sa mga kaalaman sa mundo. Lalo na yung mga interesanteng paksa gaya ng arts, politics, history…at ok, sex. Hehe.
+ points: Brainy babe with interest in baduy stuff = the win!
Ayun lang naman. Kaya kung taglay mo ang karamihan sa mga katangiang yan e, pakipadala ang iyong resume sa aking email at magpaalam ka na sa iyong magulang.. dahil pakakasalan na kita. Wehe