ideya karinderya

December 9, 2007

Isang Pamamaalam

Filed under: Uncategorized — Tags: , , — diwangmalaya @ 1:54 pm

Ang hirap talaga. Ang sakit. Ang saklap mawalan ng isang bagay na parte ng iyong pagkatao. Maiisip mo na lang kung gaano ito kahalaga sa pagkawala nito. Bigla mo na lang malalasahan ang tamis sa bawat pait na idinulot nito sa iyo. Pilit mong iniisip kung kaya pa bang ibalik ang lahat gayong sumisigaw sa iyong mukha ang malupit na kasagutan.

Sabado – ang araw na nasaksihan ng tadhana ang isang pagbabago sa aking buhay. Isang bagay ang nawala at ngayo’y isang piraso na lamang ng alaala. Nahahawakan ko pa rin subalit hindi ko na maibabalik. Sabado nang ang isang pangyayari ay iniwan akong hirap magsalita at bukas ang bibig – dahil nawalan ako ng ngipin. Hehe.

Sensya kung mukhang madrama ang artik na ito. Pers taym ko lang kasing mabunutan ng ngipin. At gaya ng lahat ng bagay na pers taym, mahalaga sa akin ito. At dapat ko itong isulat!

Perstaym kong mabunutan ng ngipin nung Saberday. Ito pa lang ang una kong karanasan sa isang operasyon, kung operasyon nga bang matatawag to. Wala pang doktor ang kumalkal ng aking mga laman-loob sa pagkakatanda ko, maliban siguro ron sa isang tag-init kung saan isang piraso ng balat ang tinanggal sa akin ng doktor para masabing binata na ako. Hehe.

Dehin ko naman talaga plano magpapabunot. Sinamahan ko lang ang utol ko para magpa-tsekap ng kanyang namamagang wisdom tooth. Naisip ko rin na di ko pa pala napapatsek ung pinastahan kong bagang. Kaya ayun, naumpisahan nang isulat ang isang pahina sa kwento ng buhay ko.

Pagdating sa dentista, agad kong nalaman ang masamang balita: bulok na si Pareng bagang. Dahil sumasakit siya kapag ngumunguya, ibig sabihin ay wala na siyang pag-asa. Dalawa lamang daw ang pwedeng solusyon: bunot o root canal. Nataranta ako. Shet, anong gagawin ko?

Agad kong itinanong sa utol ko kung anong dapat piliin. Mukha akong tanga nang tawanan ako ng ungas kong kapatid, na benteng ngipin na yata ang tinanggal sa bunganga. Ayun, nagkwento siya kung paano nya nasaksihan ang isang kahindik-hindik at katakot-takot na eksena kung saan nagpa-root canal ang isa naming pinsan. Agad kong naisip kung dapat nga ba akong dumaan sa sakit alang-alang sa pagiging kumpleto ng ngipin… Hay, ang hassle talaga mag-papogi.

Dahil dehin ako masokista, pinili ko ang bunot. Ako ay tumingin sa langit at ipinalangin ang kawawa kong bagang. Sana ay mapatawad nya ako sa pagpili ng euthanasia. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

Ayun, umupo na ako sa sinumpang silya ng dentista. At walang sabi-sabing sinaksakan ako ng ineksyon sa apektado kong ngipin. Potah, halos maluha sa sakit ako doon pa lang. Nais kong sabihin na mababa ang tolerance ko sa sakit sa bandang ulunan. Kaya siguro dehin ako mag-bondage sex kahit alam kong kinky to. Hehe.

Anestisya pala ang itinurok sa bunganga ko. Nalaman ko yun dahil feeling ko e naging kasing-kapal ng biology book ang ngala-ngala at labi ko. Namanhid ang kaliwang parte ng bibig ko at shet tsong, hebigats pala ang feeling. Groovy. Alam ko na kung bakit marami rin ang naadik sa anestisya.

Makalipas ang sampung minuto, ibinaba ng dentista ang ulunan ng reclining chair. At parang eksena ng torture, kagyat na hinawakan ng assistant nya ang ulo ko habang nakabuka ang bibig ko. May hawak na bakal ang dentista na sa tingin ko sa mga oras na yun e pliers. Ipinasok nya iyon sa bibig ko at inipit ang bagang ko. Shet, tanginaaa.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko kung paano pinilipit ng dentista ang aking ngipin. Akala ko dati ay mas metikoloso pa rito ang pag-bunot ng ngipin. Yung tipong dahan-dahang tinutungkab mula sa ugat. Pero dehin, dahil pakshet, parang nagtatanggal lang ng pako! Tas bigla me narinig ako na parang nababali, “Brak!” Punyemas, ano ang ginagawa sa akinnnnn.

Maya-maya pa ay may may isinuksok sa bibig ko. Bulak yata. Ewan. At sabi ng dentista… “‘Wag ka muna mag-mumog after 30 minutes.” Tapos na? Yun lang yun? Shet, kung tatakutin ako nang ganun, dapat sagarin na, di ba? Totohanin na! Ang olats naman nun, ang akala ko dati sa pagbubunot ng ngipin e yung tipong isang taong operasyon. Tas yung dentista at ang kanyang assistant ay hahalakhak na parang adik habang tuloy-tuloy ang pagdugo ng bibig ko. Pero, parang utot lang, umamoy lang saglit.

Pero syempre dyoks lang un. Nadismaya lang naman. Naisip ko na kung ikaw pala ay nagpepenitensya, ayos pala na mag-pabunot ka ng walang anestisya. Sa sakit siguro non, deretso ka agad sa langit.

Ayun. Hiningi ko ang bangkay ng aking yumaong ngipin. Souvenir ba. Nalinisan ko na sya pero dehin ko pa rin alam kung ilibing ko ba, cremate o i-preserve. Yung kaliwang bahagi ng bibig ko, ang weird ng pakiramdam. May espasyong nasasalat ang dila ko. Pakiramdam ko talaga ay nakulangan ako. Habang tinitingnan ko ang ngipin ko ay naalala ko ang ilang taong pinagsamahan namin. Pero sabi nga nila, we should never hold on to the past, much more to an extracted tooth. Kaya, paalam, ngipin! Sana ay masaya ka sa toothsyland.

1 Comment »

  1. yun ang pinakamasaklap sa lahat
    yung dila mo may nakakapang kulang.
    hindi na maibabalik e
    pero makakasanayan din.
    :)

    Comment by xienahgirl — December 10, 2007 @ 5:59 pm


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Blog at WordPress.com.